Monday, April 2, 2012

Si Inay by Norie Nariciso

Si Inay.. naalala ko sabi niya noon nag-iipon daw siya ng mga pet bottles para maibenta ito at ang pagbibilhan ay ibibili nman nya ng iuuwi sa Pinas.. iniiyak ko un noon kase kahit nsa ibang bansa na siya she's trying to do things para lang makapagbigay siya dito sa mga pamilya nya sa Pilipinas khit mahirapan siya kase sa park niya ito nakukuha everytime na pumupunta sila doon..
Pero noong bago -bago palang siya sa States ang una at natatandaan ko nagpauwi sila ng kahong-kahong mansanas , mga chocolates, at coke in can .. nais kase ni Inay na matikman ng mga taga Tanza kung ano ang kinakain nila doon.. alam niya kase na hindi makakabili agad ang tropa ng ganun.. Highschool ako noong nakaalis si Inay at ako ang naghatid sa kanya sa airport at inihatid naman ako ni kuya Danny pauwi.. Salamat Uncle Egay & Auntie Dolith.. kayo ang naging susi upang makarating si Inay sa States.. thank you po.
 

Naalala ko pa yung kantang " Kung Liligaya Ka.. Sa Piling ng Iba by Imelda papin yata yun" kaming apat malou. Mabel, Hiedy at ako ay pinakakanta niya dun sa kanilang hagdanan .. un kase ang stage naginagamit ni Inay para sa amin at isa- isa niya kaming pinakakanta .... kailangan may luha ..para may premyo... emote naman kami to win.. but most of the time si Hiedy ang nananalo.. kase mahusay siya sa iyakan..

Kung minsan naman si Inay ay nagpapasama sa bayan.. at kapag pauwi na ay napapatagal ang pabalik ng bahay.. sake naglalakad lang kami at kada may makikita siyang kakilala at nagkukwentuhan sila... un yata ang namana ko sa kanya kaya palabati din ako sa aking mga nakikita.. di lang un .. basta may nakitang kahoy na pwedeng panggatong .. hala pupulutin namin un... hanggang sa makauwi.

May pagkakataon din sa aming pagtulog mayroong dos por dos kaming kahoy sa bawat gilid ng kama ... kase nagkausuhan noon ang magnanakaw.. matapang kse si Inay e... pero bago matulog kwentuhan muna kami .. kakantahan niya ako... magkakamutan kami ng likod...pupupugin ko na siya nang halik at tututlog na kami.. but di kami dikit sa higaan kase naiinitan siya kaya dulo-dulo kami ng higaan.

Naalala ko rin nga dumating si Inay kasama sila Auntie Dolith at may ipinakilala sa akin.. nais siguro nila na makarating ako ng states by means of meeting somebody.. nagkataon naman na may boyfriend na ako na asawa ko na ngayon.. si Noel... dp kase alam sa bahay na may boyfriend na ako bawal baka mapatigil ako sa pag -aaral kay sinabi ko kay inay na may boyfriend na ako ikinuwento ko sa kanya at di siya nagalit basta sabi niya ... mabait naman ang pamilya ng boyfriend ko at naunawaan niya ang aking damdamin... hindi siya nagpakita nang pagkabahala nung sinabi ko yun.. bagkos sinuportahan niya ako... at siya ang unang nakaalam na may boyfriend ako kesa kay nanay at tatay... at noong nagpapplano na kmi ni Noel na magpakasal .. 1995 un nataong nasa Singapore siya at si Inay ay nasa Pinas .. tumawag si Noel kay Inay at ako ay kanyang pinagpaalam na magpapakasal na kmi.. at kinilig si Inay at natuwa.. subalit dp rin kiami naksal ng 1995 muling bumalik abroad si Noel at 1997 saka ito natuloy..

Napakarami kong nais ibahagi sa lahat.. nais kong mabatid ng lahat kung gaano kabuti ang puso ni Inay at kung gaano niya pinhahalagahan ang kanyang pamilya..
The best talaga siya.. bibigyan ka ng payo sa ikabubuti ng lhat.. bilin nya namagtulungan at alalayan ang ibang pamilya na nangangailangan... at kung may away ang mga magulang ang mga ank-anak ay d dapat makisali bagkos lagi paring bumati kahit di nagkakaunawaan ang mga magulang ng mga ito..

Noong huling uwi niya ... sabi niya gusto niyang magpalaro at magbigay ng pera sa tropa...kaya binigyan ko siya... sabagay maliit lang un P2,000 lng naman at sabi ko Inay heto ho ipamigay nyo na... maliit na bagay pero alam ko masaya siya ..
Kulang ang araw-at oras upang ikwento lahat ang mga karanasan ko kasama si Inay..

Mahirap tangapin ngunit ang katotohanan ay pagod na siya.. kung tutuusin ay bonus na ang edad niya para sa atin .. nagawa na niyang lahat ang nararapat.. sobra -sobra pa nga ito... panahon na na ibigay natin kay Lolo ang pagkakataong makasama niya ang pinakmamahal niya si Inay... matagal narin naman natayo ay nagkaroon ng pagkakataong makapiling si Inay.. salamat... salamat ....at maraming salamat Inay sa pagmamahal, pag -aaruga , sa pang-unawa , at sa lahat ng bagay na iyong ibinahagi sa aming lahat... sa iyong pamilya... Pamilya CEMANIA.... proud ako dahil Lola kita ANTONINA PENUS CEMANIA...

No comments:

Post a Comment