Sunday, April 1, 2012

Ikaw ang aming Idolo Inay Toneng...by Norie Narciso


Inay, sa isip at puso ko na kaukit na ang pangalan mo
Alaala ng pagsasama natin ang bubuhayin ko sa puso ko
Di kayang tumbasan ng kahit ano..
Mga alaala na kasama ko kayo
sa pagtulog at kwentuhan dyan magkasundo tayo..
Higit pa sa tunay na ina ang alay ko sa inyo..
bunsong anak nyo nga kung ituring nila ako..
naikinatutuwa ko at ipinagmamalaki ko..
kase sabi nyo Inay , magkamukha tayo..

Gayung wala kana Inay, paano lilimutin maganda nating alaala .. talikuran sa pagtulog.. kamutan sa likod..may
pamalo pareho tayo sa higaan.. preparasyon kapag may pumasok.. inaawitan nyo ako .. napakaganda ng inyong tinig at ito ay lagi nyong ipinaririnig bago tayo matulog at pagkagising....mga sikretuhan natin.. tudyuan..kasama ninyo ako kung saan...ay ilan lang sa aking alalalahanin at di kayang limutin...

Mahal na mahal ko kayo Inay .. wala ng bibiro sa akin ng malimit ninyong tukso.. mamimiss ko kayo Inay..mahal na mahal na mahal ko po kayo...

May you Rest In Peace now Inay..and join Him now..

No comments:

Post a Comment