Inay Toneng,Si Inay ay isang lola na talagang hindi mo malilimot! She is the best lola talaga! Sa tuwing uuwi siya dito sa Pilipinas, ako ang katabi niya dito sa new house ni ate Monet. Lagi niya sinasabi sa asawa ko "Ronald,pahiram muna si Mavel. Lagi naman kau magkatabi. Ako muna katabi niya." Noong pinagbubuntis ko ang 2nd baby ko lagi niya akong ipinagtatabi ng itlog na balot kasi alam niya n...a iyon lang ang nakakain ko. Kahit kaparti niya ibibigay pa niya sa akin. Lagi niya ako ipinagtatabi ng kakainin ko. Ganyan kabait ang lola ko sa bawat nakakasama niya. Lagi siyang nagkukwento ng maraming bagay kahit pa nga antok na antok na ako patuloy pa rin akong nkikinig sa kanya. Lagi yang nagpapakamot ng likod niya at nagpapalagay ng powder sa likod. Lagi siyang nangungurot gamit ang daliri sa paa niya. Yan ang trade mark ni inay. Napakaraming memories at yun ay mananatili sa aming mga puso at isipan..........
No comments:
Post a Comment