"kamusta kana INAY?!sana lagi kang ok at maging kaung lahat jan ...kami naman po dito ay ok lang din...wag nyo pong pababayaan ang sarili nyo,,,and ingat po kayong lahat jan palagi."..........pangkaraniwang laman ng sulat na ipinapadala sa amerika para kay INAY nung hindi pa uso ang kamustahan via internet,text or long distance na tawag (mahal kasi)hehehe...alam ko, dahil ganito rin ang laman ng mga sulat na ginawa ko pra sa kanya nung ako ay maliit pa, ika nga ng matatanda eh musmos pa..sulat na maiksi pero makabuluhan na para sa kanya at nakapagdudulot na sa kanya ng saya gaya ng kuwento ng mga kamag-anak namin sa amerika na palaging kasa-kasama niya...simpleng pag sagot nya lang sa sulat ko ay masaya na ako..thinking na "ay binasa nya talaga ang liham ko"....masaya na ako nun..na kahit papano kahit sa sulat lang nakasama ko si INAY ng kaming dalawa lang...hindi ako makasariling tao...pero sa dami naming magpipinsan normal lang na hindi lahat sa amin lalo na dito sa pilipinas ay nabibigyan nya ng atensyon nya, mabigyan man subalit magkakahati kami..dahil malimit sama-sama at isang kulumpon kami (syempre mga bata pa,,hehehe)...pero kahit ganun masaya na rin ako...
naalala ko pa, tuwing uuwi siya dito sama-sama kaming natutulog sa balkonahe (kung tawagin)..kaming magpipinsan mapababae man o lalaki...tabi-tabi kami dun.at bago matulog lalabas si INAY ng kwarto nya para silipin kami at kasiyahan na pag nakihalubilo sya at nagsimula na ng kanyang mga kwentong iba-iba ang tema...pwedeng comedy,horror at pag minsan drama na nauuwi din s komedya dahil front lang pala ang drama....(hahaha)..at sa umaga pag gising asahan mo na (lalo na sa aming mga babae) andyan na ang maagang sukatan ng ---- (alam niyo na yun...) ang manalo, PISO!!hahaha.masaya na kami nun lalo na ako....
hindi ko alam pero sa tuwing uuwi sila dito para magbakasyon eh super excited ako...ibang pkiramdam...masaya na sabik na hindi mo malaman.siguro nga dahil sa isang banda naghahangad ako na ika nga eh maka-1 on 1 si INAY...hindi para dumaing ng problema kung hindi dahil sa gusto ko lang sigurong makasama sya ng kami lang, maramdaman ang higpit ng yakap ng isa LOLA sa isang apo (though naranasan ko naman ngunit hindi ganung katagal as in saglit lang dahil marami pang nakapila na mga pinsan kong gusto ring mayakap at makasama sya...), makalaro siya ng tipong LOLA-APO na sinaryo, mahawakan ang kamay nya at magabayan sya or maalalayan man lang sa tuwing siya ay tatayo at maglalakad...ay pati na rin ngapala ang makatabi ko siya sa pagtulog eh super inasam ko rin (kasi naman hindi kami pwedeng lahat mahiga sa kama niya sa TAAS kasi hindi kasya)hehehe...
at kapag pabalik na sila ng amerika at ang araw na makakasama namin sya dito ay patapos na naku hanggang tingin na lang ang paghatid ko sa kanya (syempre kasi naman hindi lahat ay pwedeng maghatid dahil sa upuan sa sasakyan kung baga sa mall LIMITED OFFER lng ang stock..nyahahaha)....pero ayos lang may ibang pagkakataon pa naman...sa susunod na lang...
marahil nga siguro ay sabik lang ako sa kalinga niya..and malamang ganun din ang pakiramadam ng iba......and ngayon nga na si INAY ay nasa piling na ng lumikha sa ating lahat,,,sa isang banda ay ganun na lang ang lungkot ko, ang panghihinayang na sa kabilang banda eh napakarami ko pa palang gustong magawa o maranasan na kasama siya, marami pa pala akong mga kwento na nais kong (kung baga sa facebook) eh ishare sa kanya, ang araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo, ang unang trabaho ko, ang bansang napuntahan ko, ang pagpasok ko sa buhay may asawa at lalo na sa anak kong si LUCAS...and mostly yung panghihinayang na hindi ko naiparamdam sa kanya ng personal na super love ko siya...
hay!sadyang maraming napasaya si INAY TONENG...(bakit nga ba INAY at hindi LOLA?baka kasi may nagtatanong...hehehhe....naririnig kasi namin noon sa mga magulang at nakatatanda na INAY ang tawag sa kanya kaya ayon naki-uso na rin kami...hahaha) at ngayon siguro talagang nakaplano na kay GOD na kunin siya....siguro isipin ko na lang na yun ay dahil siya naman ang gustong bigyan ni GOD ng kasiyahan..yun ay ang makapiling na niyang muli ang aming LOLO FLORENCIO, ang kanyang pinakamamahal na asawa...
kaya ngayon INAY........siguro hindi ka naman magtatampo kung hindi na kita kakamustahin....bakit?KASI PO NGAYON ALAM KO NAMAN NA OK NA PO KAYO, HINDI NA PO KAYO MAKARARANAS PA NG ANUMANG KARAMDAMAN AT HIGIT SA LAHAT MASAYA NA PO KAYO KAPILING SI LOLO AT SI GOD.....
I LOVE YOU LOLA "INAY" ANTONINA "TONENG" CEMANIA....
Joy

No comments:
Post a Comment