Monday, April 9, 2012

by Norielyn Narciso

Sa mga nagdaang mga araw.. ang aking isipan ay naokupa nang pagkalungkot sa paglisan ng aking Lola ngunit.. kailangang maging matatag at tanggapin ang realidad na wala na siya at magsimulang muli... sa panibagong buhay na di na siya kasama..

Mabigat dalhin ang katotohanang ito, sapagkat nakalukob dito ang mga karanasan na di na siya mapapabilang pa.. pagkakataong di na siya makakasama ... di na siya mahahagkan pa... di na siya makukwentuhan pa... nagkaroon na ng tuldok ang ugnayan sa kanya.. sapagkat ang katotohanan ay wala na siya .

Ngunit hindi dapat matapos ang buhay sa kanyang paglisan sa mundo
... Bagkos maging daan ito upang mas tatagan pa natin ang pagharap sa ating buhay sa kasalukuyan.. mahirap man.. masakit man.. ay dapat itong malampasan.

Marami akong hindi nabati na mga kaibigan.. na ang kaarawan ay nagsidaan
Ngunit nais kung bawiin ito.. at magbigay pugay sa kanila kahit huli man
Sa mga nakidalamhati ... taos ang aming pasasalamat at maigagawad
Naging karamay namin kayo sa dilim.. na aming tinahak ng ilang araw
At kabalikat naman namin kayo sa pagsilay sa bagong liwanag ..sa aming mga buhay.

Sadya ngang lumilipas na ang panahon.. di namamalayan saan ang buhay nakatuon
Ngayong tapos na ang unos na nagdaan.. nais naming tanawin ang bukas
Na mayroong pag-asa.. pagkakaisa.. sa mga nabuklod na mga pamilya.. at kaibigan
At maging simula ito ng samahang walang hanggang..o magpakailan man.

Sa aking mga kamag-anak, kaibigan, kakilala.. di man ako napabilang sa diskusyon sa FB noon..
Nais ko paring sabihin sa inyo na hindi namin kyo kalilimutan sa nagawa ninyong kabutihan .. at patuloy na iinog ang aming buhay at maibabahagi pa rin namin sa inyo ang kasalukuyan naming kalagayan.. dito kung saan muling umusbong ang bagong pag-asa namakita ang bago at datihan ng kakilala at kaibigan...

Sa inyong lahat maraming salamat sa dasal na inilaan nyo noong may sakit pa ang aming lola at hanggang sa siya ay pumanaw na... kulang ang salitang pasasalamat dito.. gayun paman alam namin nanauunawaan ninyo ang aming pinangdaanan.. muli ang aming pasasalamat sa lahat

No comments:

Post a Comment