Monday, April 2, 2012

HELLO ay BULAGA by Monette Sidamon


Isa sa napakaraming ala-ala ko kay Inay everytime na tatawagan ko siya sa telepono tuwing break time at lunch time ko ay may sarili kaming code kasi daw pag kausap ko siya ay di niya malaman kung sino ang kausap niya at pare-pareho daw ang boses namin magkakapatid kasi minsan diretso ang kuwento niya ang akala niya ay si ate baby o si ate dolith ang kausap niya tapos malalaman niya ako pala ang kausap niya at sasabihin niya ay "herekbek ba mali pala" kaya sabi ko malalaman niya na ako ang tumatawag sa kanya na instead of HELLO ay BULAGA ang aming code. Mula nuon iyon na ang naging sign namin dalawa.Marami din mga pagkakataon na iyon din ang ginagamit kong pagbati tuwing dadating ako mula sa work simpleng sasabihin ko lang sa kanya na BULAGA alam na niya ang aking pagbati. Simpleng kataga nuon pero sa ngayon everytime na maaalala ko ay may kirot ng hatid sa akin. Sino na ngayon ang paglalaanan ko ng aking BULAGA? Sino na ngayon ang makikinig sa mga simpleng kuwento o daing ng aking nagdaang maghapon? Salamat Inay sa mga panahon na ating pinagsamahan, mga pagsubok nating hinarap, mga masasayang panahon natin pinagsaluhan at higit sa lahat walang sawang PASASALAMAT sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. I love you. Inay

No comments:

Post a Comment