Sunday, April 1, 2012

Salamat...love, monette

 
Salamat sa lahat ng nagmamahal kay Inay. Alam ko di magiging madali ang mga darating na araw para sa ating lahat. Muli at muli babalikan ko ang mga araw na kapiling natin siya at alam ko sa mga araw na iyon madaming ala-ala ang manunumbalik sa akin at alam ko madami pang mga luha ang dadaloy. Subalit alam ko din na maiibsan ang lungkot at sakit na ito tuwing makikita at mababasa ko ang mga ala-ala ng bawat isa sa atin. Ngayon pa lang di ko na maisip ko paano ko haharapin ang mga araw na hahanapin ko siya at paano ko haharapin ang mga araw na ako ay mangungulila sa kanya. Mga araw na gusto ko siyang yakapin, halikan o simpleng matitigan man lang siya. Di ko din alam kung paano ang buhay ng wala siya sa ating piling. Sa sobrang lungkot at sakit malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala sa ak...in at alam ko ganun din ang mga nararamdaman ng bawat isa na nagmamahal sa kanya. Alam ko din na di niya tayo pababayaan sa mga oras na tayo ay nangungulila sa kanya at lalo na sa oras ng ating mga pagsubok. Alam ko din mga ala-ala itong ang magbibigay sa akin ng lakas para harapin ang mga araw na dadating na wala na siya sa ating piling. Sa puso ko at isipan alam ko na nasa mabuti na siyang kalagayan kapiling ni TATA, mga mahal natin sa buhay at higit sa lahat sa Poong Maykapal. Subalit ang pangungulila sa kanya ay magiging bahagi na ng aking buhay. Sa mga nagmamahal sa kanya wag kayong magsasawa na patuloy siyang mahalin patuloy siyang buhayin sa inyong ala-ala dahil ako sa puso ko patuloy ko siyang mananatili dito. Di ako magsasawa na ibulong sa kanya na mahal na mahal ko siya at ang paulit ulit na pasasalamat sa pagiging mabuti niyang ina, pagiging mabuting kaibigan.

Inay, salamat at mahal na mahal ko kayo at sana tulungan ninyo kami harapin ang mga darating na araw na kami ay pinanghihinaan ng loob mga araw na labis kaming mangngulila sa iyo.

No comments:

Post a Comment